Nakaalis na ng bansa ang ikalawang batch ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent upang tumulong sa mga nasalanta ng magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar.
Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo, binubuo ang grupo ng 47 tauhan mula sa Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, Department of Health, Department of Environment and Natural Resources, at Office of the Civil Defense.
Sakay ang grupo ng C-130 aircraft patungong Myanmar, upang maghatid ng humanitarian assistance.

Nauna nang dumating sa Myanmar kahapon ang unang batch ng rescuers at medical personnel mula sa Pilipinas na kasalukuyan nang nagbibigay ng rescue at medical assistance sa mga nangangailangan.
Sinabi pa ni Castillo na patuloy ang pagsisikap ng Pilipinas na makapagbigay ng mabilis at epektibong humanitarian assistance sa mga apektado ng malakas na lindol. | ulat ni Diane Lear
OCD
