Arestado ang ilang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nahuling sangkot sa isang illegal na “salary deduction scheme” sa loob ng ahensya.
Ayon sa MMDA, may ilang empleyado mula sa payroll division na binabawasan ang sahod ng kanilang mga kasamahan at inililipat ito sa kanilang sariling account.
Mismong si MMDA Chairperson Don Artes ang nagsampa ng reklamo na nagresulta sa pagkaka-aresto ng hindi binanggit na bilang ng mga empleyado.
Ayon pa sa MMDA, posibleng mas marami pang sangkot sa loob ng ahensya kaya’t patuloy ang kanilang imbestigasyon.
Inaayos na rin umano ng ahensya ang case build-up para sa non-bailable na kaso laban sa mga empleyadong sangkot.
Sa ngayon, kinumpiska na ang mga computer ng mga suspek at inilagay na rin sila sa preventive suspension. | ulat ni Diane Lear