Bagaman may mga impormasyong nakakarating sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa lalawigan ng Palawan ukol sa vote buying at vote selling ay maituturing na hilaw pa rin ang mga impormasyon ito ayon sa pahayag ni Palawan Provincial Elections Supervisor Atty. Percival Medoza.
Kasunod ito ng pahayag ni COMELEC Commissioner Ernersto Fernando Maceda Jr. kung saan ay napabilang ang lalawigan ng Palawan sa limang mga tunukoy na lugar sa bansa na mayroon na umanong nagaganap na pamimili ng boto.
Ayon kay Atty. Mendoza, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa aniya silang natataggap na pormal na reklamo maliban sa mga verbal complaints at mga reklamo mula sa mga anonymous o ayaw magpakilalang mga indibidwal.
Nilinaw rin ni Mendoza na bagaman hindi pormal na naisusumite sa kanilang tanggapan ang mga reklamong ito ay itinuturing nila itong intelligence report at nagsasagawa pa rin sila ng imbestigasyon kaugnay nito.
Sinabi rin ni Mendoza na madalas na nilalaman ng mga intelligence report ay ang pamimili ng boto sa lungsod ng Puerto Princesa at sa ilang mga munisipyo sa Sur ng Palawan. | ulat ni Lyzl Pilapil | RP1 Palawan