Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na papalo sa pagitan ng 1.7 percent hanggang 2.5 percent ang inflation rate para sa buwan ng Marso 2025.
Ang pagtaas ng presyo ng kuryente pati na rin ng isda at karne ay nagdulot ng pressure sa paggalaw ng presyo.
Gayunpaman, inaasahang babawi ito sa pagbaba ng presyo ng bigas, prutas, at gulay dahil sa magandang suplay sa loob ng bansa at paglakas ng piso.
Samantala ayon sa mga ekonomista sa bansa, posibleng bumagal pa ang inflation sa Marso dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng pagkain at transportasyon.
Dahil dito, naniniwala ang mga local economist na lumalakas ang posibilidad na magbaba ng interest rates ang BSP ngayong Abril upang suportahan ang ekonomiya, at lumikha ng balanseng paglago sa merkado at empleyo. | ulat ni Melany Valdoz Reyes