Pinaigting ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang kampaniya para sa ligtas na pagbiyahe sa karagatan ngayong Semana Santa.
Ayon sa ahensya, nasa 113 pasaherong barko ang sinuri at ininspeksyon nito sa buong bansa mula April 1 hanggang 12, upang tiyakin ang kaligtasan at pagtalima sa mga batas-pandagat.
Sa naturang bilang, 10 barko ang ipinagbawal munang pumalaot dahil sa mga safety-related deficiencies, habang anim (6) na barko naman ang muling pinayagang bumiyahe matapos ang re-inspection.
Ayon kay MARINA Administrator Sonia Malaluan, prayoridad nila ang kaligtasan ng mga pasahero sa anumang biyahe sa karagatan.
Kaugnay nito, nagtalaga rin ang MARINA ng Malasakit Help Desks sa mga pantalan para magbigay-tulong at aksyon sa mga kinakailangan ng mga pasahero. | ulat ni Lorenz Tanjoco