Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Philippine Inter-Agency Contingent to Myanmar sa Embahada ng Pilipinas sa Yangon para tiyakin ang kaligtasan ng mga tauhan nito
Ayon ito kay Philippine Contingent Commander, LtCol. Erwen Diploma kasunod ng mga ulat ng airstrike buhat sa military junta sa Myanmar.
Bagaman ang sentro ng misyon ng Philippine contingent ay para sa Humanitarian Assistance at Disaster Relief Operations sa mga apektado ng magnitude 7.7 na lindol, kanila pa ring isinasa-alang-alang ang seguridad ng buong lupon.
Bilang bahagi rin ng plano, makikipag-ugnayan ang contingent sa AHA Centre pagdating sa Myanmar upang matukoy ang specific work assignments ng bawat miyembro ng contingent. | ulat ni Jaymark Dagala