Nagbukas ng karagdagang KADIWA ng Pangulo (KNP) Pop-up store ang Department of Agriculture (DA) sa Manila Central Office sa Liwasang Bonifacio, Ermita, Manila.
Binisita ni Asec. Bebang Guevarra, Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing and Consumer Affairs at KADIWA ng Pangulo Program Head ang pagbubukas ng KNP sa PhlPOST.
Ayon sa DA, magiging regular na ang bentahan sa naturang Kadiwa ng Pangulo site tuwing Biyernes simula sa susunod na linggo, April 11, 2025.
Hinikayat naman ang publiko na huwag palampasin ang tsansang makabili ng mas murang sariwang gulay, prutas, bigas, itlog at iba pang pagkain.
Una nang sinabi ni DA Secretary Tiu-Laurel na target ng kagawarang makapagpatayo ng higit 1,500 Kadiwa ng Pangulo outlets sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Marcos sa 2028. | ulat ni Merry Ann Bastasa