Pinapayuhan ng Light Rail Manila Corporation ang mga pasahero na planuhin ang kanilang byahe sa Holy Week.
Sa abiso ng LRMC, suspendido ang operasyon ng LRT1, mula sa April 17 hanggang April 20 o Huwebes Santo hanggang Linggo, Pasko ng Pagkabuhay.
Ito ay para bigyang daan ang taunang maintenance at system upgrade ng LRT1 na magreresulta sa maasahan at kumbenyenteng serbisyo sa mga pasahero.
Samantala may operasyon ang LRT 1 sa Lunes Santo hanggang Miyerkules Santo o April 14 hanggang April 16.
Magsisimula ang biyahe ng tren ng LRT 1 sa nabanggit na araw, 4:30AM at ang huling byahe naman ay 10:30PM sa Dr. Santos at 10:45PM sa Ferdinand Poe Jr. | ulat ni Don King Zarate