Inanunsyo ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magpapatupad ito ng tigil operasyon sa LRT line 2, pagsapit ng mga Semana Santa sa susunod na linggo.
Batay sa anunsyo ng LRTA, walang operasyon ang LRT 2 mula Huwebes Santo, Abril a-17 hanggang Linggo ng Pagkabuhay, Abril a-20.
Pero bago iyan, sinabi ng LRTA na mananatiling normal ang operasyon ng LRT 2 mula Lunes Santo, Abril a-14 hanggang Miyerkules Santo, Abril a-16.
Layon nito na bigyang daan ang taunang maintenance activities ng nasabing tren upang mapag-ibayo pa ang pagseserbisyo nito sa publiko.
Pinapayuhan naman ang mga pasahero ng LRT 2 na plaunhin ng maaga ang kanilang biyahe gayundin ay gumamit na lamang ng alternatibong transportasyon sa nabanggit na mga araw na tigil-operasyon ang linya nito. | ulat ni Jaymark Dagala