Nagpaalala sa publiko ang Land Transportation Office–National Capital Region (LTO-NCR) na huwag tangkilikin ang mga colorum na sasakyan sa pagbiyahe sa mga lalawigan ngayong Holy Week.
Babala ni LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III, ang mga sasakyang ito ay nagdudulot ng panganib sa kaligtasan ng mga pasahero, at lumalabag sa mga regulasyon ng transportasyon.
Hindi aniya ito dumaan sa tamang inspeksyon at hindi saklaw ng insurance.
Sa halip, hinimok nito ang publiko na i-report ang nalalamang colorum activity, at nagpaalala na sumakay lamang sa rehistradong sasakyan upang matiyak ang ligtas at maayos na biyahe sa panahon ng Kuwaresma. | ulat ni Rey Ferrer