Ikinatuwa ng Department of Agriculture (DA) ang pagbaba ng inflation sa 1.8 percent nitong Marso.
Ito na ang pinakamabagal mula nang ipatupad ang mga lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang pagbaba ng presyo ng pagkain, lalo na ng bigas, ang naging dahilan ng pagbagal ng inflation.
Nabatid na nagpatupad ang DA ng maximum suggested retail price (MSRP) para sa imported na bigas noong January sa halagang P58 kada kilo, na unti-unting binaba hanggang P45 noong March 31, 2025.
Bukod dito ay nagpatupad din sila ng MSRP sa baboy noong Marso, na nakatulong sa pagbaba ng presyo ng karne.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., patunay ang mga datos ng inflation na epektibo ang hakbang ng gobyerno sa pagprotekta sa mamimili.
Patuloy aniya ang pagtutok ng DA sa presyo at produksyon upang matiyak ang abot-kayang pagkain para sa pamilyang Pilipino. | ulat ni Diane Lear