Nagpapatuloy ang misyon ng Philippine Inter-Agency Contingent sa Myanmar buhat nang tumulak sila roon nitong Abril 1 at 2, 2025.
Ito’y kasunod pa rin ng isinasagawa nilang Search, Rescue and Retrieval gayundin ang pagbibigay ng medical assistance sa mga nasasagip nilang buhay matapos ang pagtama ng magnitude 7.7 na lindol nitong Marso 28.
Batay sa ulat ng contingent sa Office of Civil Defense (OCD), pumalo na sa 268 na mga pasyente ang nabibigyan nila ng serbisyong medikal.
Kabilang sa mga naibigay na ng Philippine contingent ay ang general medicine, surgery, pediatric at orthopedic care maging ang mga buntis, na inaalalayan ng mga obstetrician gynecologist.
Nagbigay serbisyo rin ang mga Pilipinong doktor na kasama ng team gaya sa mga mayroong hypertension, type 2 diabetes, athrosis, muscle disorders, wrist at hand injuries at iba pa.
Kasunod nito, sinabi ng OCD na plano pa nilang magpadala ng karagdagang tauhan sa hinaharap upang mas maraming buhay ang kanilang masagip sa Myanmar. | ulat ni Jaymark Dagala
: Civil Defense FB