Nagpakalat ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ng 840 na mga tauhan sa buong bansa para tiyaking ligtas at maayos ang biyahe ng publiko ngayong Semana Santa.
Ayon kay PNP-HPG Director PBGEN Eleazar Pepito Matta, kabilang sa tututukan ang mga matataong lugar gaya ng mga terminal, simbahan, at iba pang pasyalan.
Layon nitong mapanatili ang kaayusan at makaiwas sa aksidente at krimen ngayong inaasahan ang dagsa ng mga tao.
Batay sa tala ng HPG, 117 pulis ang naka-deploy sa 79 commercial areas, 226 sa 108 na transport terminals, 61 sa 53 na simbahan, 105 sa 54 convergence zones, at 252 sa 91 pangunahing kalsada sa bansa.
Tiniyak ni Matta na paiigtingin nila ang presensya ng HPG at nakahanda silang alalayan ang publiko sa kanilang paglalakbay ngayong Semana Santa. | ulat ni Diane Lear