Itatayo na ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang bagong mid-rise socialized housing project sa Barangay Potrero.
Dalawang magkatulad na mid-rise building ang itatayo sa Guyabano Street, at magbibigay ng mas ligtas at maayos na tahanan para sa humigit-kumulang 200 pamilya.
Ang mga target beneficiaries ng proyekto ay ang mga residente ng Malabon.
Partikular ang mga informal settler sector, low-income families na nangangailangan ng mabibilis na pabahay, ang mga kasalukuyang nakatira sa danger zones, sa tabi ng mga daluyan ng tubig, o sa mga pampublikong lupain.
Gayundin ang mga nakakatugon sa pangangailangang pinansyal para sa socialized housing. | ulat ni Rey Ferrer