Positibo ang Malacañang sa pagkakaroon na ng direktang flight mula Vancouver, Canada patungong Manila at vice versa.
Sa briefing sa Malacañang, sinabi ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro na inaasahang magpapalakas sa turismo ng bansa ang pagpasok ng Canadian Airline sa Pilipinas.
Sinabi ni Castro na habang makakatulong ang nasabing development para lumago ang cultural connection ng Pilipinas at Canada na tiyak aniyang may magandang epekto rin sa ekonomiya ng dalawang panig.
Asahan na sabi ni Atty. Castro na tataas pang lalo ang tourist arrival sa Pilipinas kasunod ng magandang pagkakataong makapagbiyahe na walang connecting flights mula Canada hanggang Pilipinas.
Nitong nakaraan April 3 lamang nagsimula ang direktang flight kung saan ay bumiyahe na mula Vancouver ang Air Canada na may flight code AC17 at dumating sa NAIA ng 6:04 ng umaga lulan ang may 200 pasahero. | ulat ni Alvin Baltazar