Customize Consent Preferences

We use cookies to help you navigate efficiently and perform certain functions. You will find detailed information about all cookies under each consent category below.

The cookies that are categorized as "Necessary" are stored on your browser as they are essential for enabling the basic functionalities of the site. ... 

Always Active

Necessary cookies are required to enable the basic features of this site, such as providing secure log-in or adjusting your consent preferences. These cookies do not store any personally identifiable data.

No cookies to display.

Functional cookies help perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collecting feedback, and other third-party features.

No cookies to display.

Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics such as the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.

No cookies to display.

Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.

No cookies to display.

Advertisement cookies are used to provide visitors with customized advertisements based on the pages you visited previously and to analyze the effectiveness of the ad campaigns.

No cookies to display.

Manga-Bamboo Festival, San Carlos City, bukas na! Food strip tampok ang PSU products

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang nagbukas ang taunang pagdiriwang ng Mango- Bamboo Festival ng San Carlos City, Pangasinan sa pamamagitan ng Food Strip tampok ang ipinagmamalaking produkto ng lungsod na Mangga at Kawayan.

Nilahukan ito ng mga mag-aaral mula sa Pangasinan State University (PSU) San Carlos Campus gayundin ang Binalatongan Community College.

Ayon kay City Cooperative Entrepreneurship and Livelihood Development Office Head Arlaine De Vera, nakipag-partner sila sa PSU San Carlos Campus para iinnovate ang mga likhang produkto ng mga estudyante sa tulong ng mga miyembro ng kooperatiba upang mas mapaganda ang kalidad ng likha nilang produkto mula sa mangga at kawayan.

Ang proyekto ay isang community at academic partnership kung saan ang mga kooperatiba na ganap nang entrepreneurs ang tutulong sa mga estudyante na nais maging negosyante.

Katunayan ayon kay Dr. Liza Quimson, Executive Director ng PSU San Carlos Campus, nagkaroon na sila ng Memorandum of Agreement ng Lokal na Pamahalaan para sa programang Shared Facility ng Department of Trade and Industry (DTI) upang lahat ng produktong malilikha ng kanilang mga mag-aaral ay iinnovate sa tulong ng mga kooperatiba na kalaunan ay pwedeng ipa-patent sa DTI upang ito ay maging ganap na produkto ng San Carlos City.

Ngayong taon ng selebrasyon ang unang pagkakataong nakilahok ang PSU San Carlos Campus sa Food Strip tampok ang produktong gawa ng kanilang mga mag-aaral.

Sa tulong ng tanggapan ni Bb. Marmie Poquiz, Dekano ng College of Hospitality Management ng PSU San Carlos Campus, sila ang nagsasaliksik ng mga pamamaraan upang maka-likha ng mga produktong mula sa mangga at kawayan.

Sa darating na Abril 22-26 ay ipi-presenta nila sa nagpapatuloy na okasyon ang mga likhang produkto ng mga mag-aaral mula sa manga tulad ng pizza, tart, tinapay, cake, at iba pa.

Magtatagal naman ang selebrasyon hanggang Abril 30, 2025. | via Sarah Cayabyab | RP Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us