Nakahanda na ang mga stationary water tank ng Maynilad Water Services sa apat na lungsod sa Metro Manila dahil sa ipapatupad na water service interruption simula mamayang gabi
Sa abiso ng Maynilad, pansamantalang mawawalan ng supply ng tubig ang mga lungsod ng Makati, Manila, Paranaque at Pasay.
Dahil ito sa isasagawang major pipeline interconnection works mula alas 9:00 ng gabi hanggang tanghali kinabukasan.
Ayon sa Maynilad,ang interconnection activities ay bilang suporta sa North-South Commuter Railway initiative ng Department of Transportation at Philippine National Railways .
Makakatulong din ito para mabawasan ang pagkawala ng tubig at mapahusay ang suplay ng tubig at pressure sa lugar.
Bukod dito ,tiniyak ng Maynilad na may nakaabang din silang mobile water tankers na maaaring mag-deliver ng malinis na tubig sa mga customer kung kinakailangan. | ulat ni Rey Ferrer