Para matulungan at mapagbigyan ang mga chance passenger na uuwi ng kani-kanilang probinsya ngayong Semana Santa, nagdagdag ng oras ng biyahe ang mga bus terminal sa lungsod ng Maynila.
Partikular ang mga bus na may biyaheng Zambales, Olongapo, Baguio, Ilocos, Isabela, Cagayan at iba pang parte ng Northern Luzon.
Ayon sa mga pamunuan ng bus terminal, noong nakaraang linggo pa halos fully booked ang kanilang biyahe kung saan nagdesisyon sila na i-accomodate ang mga nagbabakasakaling pasahero para makauwi at makapagbakasyon sa probinsya.
Wala naman problema ang pagbenta ng ticket at magtutuloy-tuloy ang biyahe ng bus sa mga susunod na araw.
Kaugnay nito, mahigpit na seguridad ang inilatag sa loob at labas ng mga bus terminal habang maayos naman ang daloy ng trapiko. | ulat ni Lorenz Tanjoco