Umaasa ang COMELEC na mas marami pang kandidato ang kusang magbabaklas ng mga campaign posters nilang ikinabit sa mga bawal na lugar.
Kasunod na rin ito nang pagtalima ng ilang kandidato sa Laguna sa panawagan ng Komisyon at kusa nang kumilos para alisin ang mga poster nila sa mga bawal na lugar.
Ayon kay Director Frances Aguindadao-Arabe, National Coordinator for the COMELEC Special Task Force Baklas, malaking tulong din sa kalikasan ang naturang hakbang na pagpapakita ng kandidato nang paggalang at pagsunod sa mga batas.
Umaasa ang Komisyon na tutularan ng lahat ng kandidato sa bansa ang sinimulan sa Laguna na pag-aalis ng campaign posters nila sa mga poste at mga puno.
Kasama rin sa laban ng COMELEC ang paninigurong hindi gawa sa plastic ang mga campaign poster para hindi makadagdag sa problema sa basura ng bansa at maging sanhi pa ng mga pagbaha. | ulat ni Lorenz Tanjoco