Naglatag ng ilang suhestiyon ang Quezon City Local Government sa mga maaaring bisitahin ng mga Katoliko sa kanilang Visita Iglesia ngayong Semana Santa.
Ayon sa pamahalaang lungsod, mas mainam kung gagawing eco-friendly ang Paglalakbay ng Pananampalataya.
Ito sa pamamagitan ng paglalakad o pagbibisikleta habang binabaybay ang pitong simbahan ng lungsod.
Kabilang dito ang: Minor Basilica of Mt. Carmel , Our Lady of Victories, Immaculate Conception Cathedral, Sacred Heart Parish, St. Paul the Apostle, Hearts of Jesus & Mary at San Pedro Bautista.
Hinikayat ang mga deboto na gawing kakaiba ang Visita Iglesia kung saan ang pananampalataya at kalikasan ay magsasama. | ulat ni Merry Ann Bastasa