Nanawagan kay Finance Secretary Ralph Recto ang business groups at foreign chambers na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng inter-agency pre-border inspection policy.
Ayon sa grupo, posible itong makaapekto sa kalakalan sa bansa.
Sa ipinadalang liham sa kalihim noong isang linggo, hinimok nila si Sec. Recto na irekonsidera ang Joint Administrative Order (JAO) No. 001-2025.

Ito ay ukol sa digital integrated system para sa pre-border technical verification (PTV) at cross-border electronic invoicing (CEI) na layong istreamline ang sistema para sa international trade transactions.
Ayon sa grupo ang mga bagong mekanismo ng kalakalan ay indikasyon na ang bansa ay “maaaring may intensyon” na gamitin ang inspeksyon bago ang pagpapadala para sa pag-uuri ng taripa o customs valuation.
Naniniwala ang business group, na walang katwiran para sa isang parallel na sistema ng inspeksyon at pag-verify dahil nanganganib lamang na maantala ang transaction o magkaroon ng dagdag na gastos.
Ang liham ay nilagdaan ng Joint Foreign Chambers of the Philippines (JFC), Makati Business Club (MBC), EU-ASEAN Business Council, Federation of Indian Chambers of Commerce (Philippines), US-ASEAN Business Council. at ang Philippine Association of Multinational Companies Regional Headquarters Inc. (PAMURI). | ulat ni Melany Valdoz Reyes