Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang halaga ng pagkaing Pinoy sa itinataguyod na turismo sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, nagsisilbing daan ang pagkaing Pinoy upang mas madaling maunawaan lalo ng mga dayuhang turista ang kultura ng Pilipino.
Sinabi ng Punong Ehekutibo na sa sandaling makain ng isang dayuhan ang kahit anong masarap na pagkaing Pinoy ay mabilis na naiintindihan ng mga dayuhan ang kulturang Pilipino.
Ilan naman sa ibinida ng Pangulo na maipagmamalaking pagkaing Pinoy ay ang ‘dinengdeng’ ng mga Ilokano gayundin ang ‘bagnet’ at ang kanyang tinawag na “KBL” o kamatis, bagoong at longganisa.
Hindi rin aniya pahuhuli ang pinagmamalaki ng mga taga-Pampanga na sisig na aniya’y hindi lang pambansang paborito kundi sumikat na rin kung saan-saan hanggang Amerika. | ulat ni Alvin Baltazar