Padami na ng padami ang mga pasahero sa North Port Pasengger, isang linggo bago ang Holy Week.
Sa Pier 4 sa Lungsod ng Maynila, inaasahan ang 1,200 na pasahero ngayong Lunes, April 7, 2025.
Kabilang sa biyahe mamaya ay ang papunta sa Ozamis, Butuan.
Ayon sa staff ng 2G0, 3,500 ang pamasahe kung bibili ng ticket ngayong araw.
Bago mag-Holy Week, inaasahang fully booked na ang biyahe dahil meron nang mga nag advance booking.
Ayon naman isang manggagawa mula sa North Port Passenger, ramdam na nila ang pagdami ng mga pasahero at inaashan ang pick ng mga pasahero 2 araw bago ang mismong Semana Santa.
Kung sakaling fully booked na, pwede naman ang chance passenger kung hindi makakarating sa tamang oras ang ibang pasahero. | ulat ni Don King Zarate