Personal na binisita ni Philippine Army Chief, LtGen. Roy Galido ang mga sundalong nakipagbakbakan sa armadong grupo sa Brgy. Dugaa, Tuburan sa Basilan kamakailan.
Unang nakiramay ang Army Commanding General sa pamilya ni Sgt. Bation at Cpl. Daquipel na nasawi sa naturang engkuwentro.

Kasama ni Galido si Western Mindanao Command Chief, LtGen. Antonio Nafarrete na nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawing sundalo.
Matapos nito, dumiretso naman sina Galido at Nafarrete sa West Metro Medical Center sa Zamboanga City para parangalan naman ang mga nasugatan na si Cpl. Flores na ginawaran ng medalya dahil sa pag-aalay ng sarili habang gumaganap ng tungkulin.
Giit pa ni Galido, kanilang pararangalan ang sakripisyo ng kanilang mga kasamahang nagbuwis ng buhay at patuloy din nilang pagpupursige na makamit ang hustisya sa kanilang mga yumaong kasamahan. | ulat ni Jaymark Dagala