Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko lalo na ang mga bibiyahe ngayong Semana Santa.
Ayon sa MMDA, dapat unahin ng mga biyahero ang kanilang kaligtasan upang maiwasan ang anumang peligro.
Dapat anilang planuhing maigi ang pagbiyahe partikular na iyong mga daraanang ruta at gumamit ng navigational app kapag malayuan ang biyahe.
Ugaliin ding inspeksyunin ang sasakyan bago gamitin para masuri ang kondisyon nito at iwasan ang anumang distraction sa pagmamaneho.
Samantala, mas mainam din ayon sa MMDA kung magbaon ng first aid kit sakaling may emergency. | ulat ni Jaymark Dagala