Ikinatuwa ni House Speaker Martin Romualdez ang naitalang pagbagal sa inflation para sa buwan ng Marso na nasa 1.8%.
Aniya ipinapakita nito na ang mga hakbang at intervention na ginawa ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ay epektibo.
“This is a welcome development. As I have been saying, this shows that the intervention measures taken by President Ferdinand R. Marcos Jr. and his administration like the drastic reduction in tariff on rice imports and the setting of maximum retail prices for rice and other food items are paying off,” ani Speaker Romualdez
Sabi pa ng lider ng Kamara, ang pagbaba sa presyo ng mga bilihin ay bawas gastos din para sa mga Pilipino.
Ayon sa PSA malaki ang ambag ng pagbaba sa presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages sa pagbagal ng inflation.
“We are seeing rice prices dropping gradually due to government intervention measures, principally the decision by the President to reduce tariff on imported rice,” saad niya
Umaasa naman si Romualdez na mapanatili ang inflation rate ng mas mababa pa sa two percent.
Kasabay ng paalala sa gobyerno na paghandaan ang panahon ng tagulan.
Maging si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, positibo ang pagtanggap sa mas mababang inflation rate.
Inaasahan na aniya niya ang pagbagal sa inflation dahil hindi na rin aniya gaano mataas ang mga price pressure sa key commodities lalo na sa bigas.
Katunayan bumaba na aniya ng 7.7 percent ang presyo ng bigas year-on-year, na una nang ring inasahan ng House Murang Pagkain Supercommittee.
“I expect prices of rice will continue to decline year-on-year, before resuming a slightly positive inflation rate midyear.” sabi ni Salceda
Kailangan naman aniya na bantayan ang presyo ng karne na nakapagtala ng 8.2 percent na pag taas, bagay aniya maaaring maka apekto sa nutritional balance sa diet ng mga kabahayan.
Gayonman inaasahan na bababa rin ito kasabay ng pagbaba sa presyo ng mais. | ulat ni Kathleen Forbes