Nagkasundo ang National Housing Authority at Department of Agriculture para sa tuloy-tuloy na suplay ng agricultural products sa piling resettlement sites ng NHA.
Ayon kay NHA si General Manager Joeben Tai, ang kolaborasyong ito ay para palakasin ang seguridad sa pagkain at isulong ang sustainability habang tinutugunan ang mga hamon sa sektor ng agrikultura.
Ang inisyatibang ito ay bahagi ng KADIWA ng Pangulo (KNP) Program at matulungan ang mga magsasaka na direktang maibenta ang kanilang produkto sa mga mamimili.
Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga magsasaka, mangingisda, maliliit na negosyante, at mamimili, nagbibigay ang KADIWA Program ng sariwa at lokal na ani sa abot-kayang presyo. | ulat ni Rey Ferrer