Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang 994 gramo ng shabu na tinangkang ipasok sa Pilipinas mula sa Bujumbura, East Africa.
Dadalhin sana sa Cavite ang nasabing iligal na droga na nagkakahalaga ng 6.7 milyong piso.
Ayon sa BOC, itinago sa mga piyesa ng sasakyan ang mga kontrabando.
Matapos sumailalim sa X-ray screening at physical examination, nakita sa metal wheel bearing ang mga shabu.
Agad namang naglabas ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention sa kargamento sa paglabag sa R.A. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Bukod sa collection at trade facilitation, aktibo rin ang ahensya sa pagprotekta sa border ng bansa laban sa mga kontrabando. | ulat ni DK Zarate