Sinimulan na ngayong Lunes Santo sa ilang simbahan ang tradisyunal na Pabasa ng Pasyon.
Sa Cubao Cathedral, isinagawa ang Pasyon ngayong umaga sa harap ng simbahan.

Kaugnay nito ay inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Pabasa na itinuturing na mahalagang tradisyon ng pananampalatayang Pilipino tuwing Kuwaresma.
Dito, sabay na nagninilay at nagdarasal ang mga deboto sa pamamagitan ng pag-awit ng kasaysayan ng pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoon, bilang pagpapahayag ng kanilang pananampalataya.
Inaasahang tatagal naman ang Pabasa sa Cubao Cathedral hanggang martes santo, April 15. | ulat ni Merry Ann Bastasa