Ikinalugod ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-apruba ng Estados Unidos sa pagbebenta ng 20 F-16 fighter jets sa Pilipinas.
Sa ambush interview sa Camp Capipin, sinabi AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na pinag-aaralan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang lahat ng kanilang option sa pagbili ng mga multi-role fighter jet gaya ng F-16 o gripen aircraft.
Ayon kay Brawner, mahalaga ang mga ito sa pagdepensa sa teritoryo ng bansa. Kaya masaya aniya ang AFP sa ginawang pag-apruba ng U.S Congress sa pagbebenta ng 20 F-16 fighter jets sa Pilipinas.
Gayunpaman, sinabi ni Brawner na wala pang pinal na desisyon ang AFP at si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kaugnay sa pagbili ng nasabing fighter jets mula sa U.S. | ulat ni Diane Lear