Kumpiyansa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na gaya ng inaasahan ay makabibili pa ang bansa ng karagdagang 12 FA-50 fighter jets.
Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr., kasabay ng pangunguna nito sa ika-49 anibersaryo ng Army’s 2nd Infantry Division sa Camo Capinpin sa Rizal kahapon (April 14).
Ayon kay Brawner, nasa pipeline o nakakasa na kasi ang pagbili ng mga bagong FA-50 fighter jet sa ilalim ng rehorizon 3 ng AFP modernization program.
Dahil dito, madaragdagan ang kasalukuyang 11 FA-50 fighter jets na nabili sa Korea Aerospace Industries mula 2015 hanggang 2017 na nagkakahalaga ng P18.9 na bilyon. | ulat ni Jaymark Dagala