Nilinaw ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na hindi gagamitin ang ipinamamahaging Voter Information Sheet (VIS) ng COMELEC para sa signature campaign kaugnay ng people’s initiative o impeachment ng isang opisyal.
Kasunod ito ng mga ulat na may ilang botante sa ibang lugar na tumatangging pumirma ng acknowledgement o tumanggap ng VIS dahil sa naturang pekeng balita.
Sa ambush interview, nilinaw ni Garcia na kailangan ng pirma ng botante sa dokumento bilang patunay na natanggap nito ang VIS.
Ipinaliwanag din ni Garcia na ang lagda ng botante ay kailangan na magiging ebidensya sa bilang ng mga naipamahaging VIS at para mabayaran ang mga tauhan ng COMELEC. | ulat ni DK Zarate