Patuloy pa rin ang paghahanap ng Embahada ng Pilipinas sa Myanmar sa apat na OFWs na nawawala matapos ang pagtama ng 7.7 magnitude na lindol doon.
Kaugnay nito, inaasahang tutulong na rin ang NBI Disaster Victim Identification Division (NBI-DVID) upang mas mapabilis na ang paghahanap sa mga ito.
Nananatili namang bukas ang Department of Foreign Affairs para sa mga nais magpa-repatriate at pagbibigay ng tulong sa mga Pilipinong naging biktima ng lindol.
Muli namang siniguro ng DFA na kanilang ginagawa ang lahat upang matiyak na maayos ang kalagayan ng mga Pilipino roon. | ulat ni AJ Ignacio