Ikinabahala at ikinalungkot ni House Tri Committee vice-chairperson Johnny Pimentel ang paglagap ng fake news ngayong panahon ng halalan.
Sa pagpapatuloy ng pag-dinig ng komite ukol sa isyu ng paglaganap ng fake news, iginiit ni Pimentel na hindi lang nililinlang ng fake news ang publiko ngunit nakakasira din sa tiwala sa mga instituyon, nagagamit bilang armas ang public opinion at nagiging banta sa ating democratic process.
Lalo na aniya ngayon kung saan nagagamit ang fake news para siraan ang mga tumatakbo ngayong eleksyon.
Kaya paalala niya na dapat maging mapanuri at labanan ang ganitong maling gawain.
“Dapat tayong maging mapanuri, wag nating ipagwalang-bahala at bagkus labanan ang mga ganitong maling gawain. Together, we can confront the challenges posed by fake news and disinformation, ensuring a healthier public discourse.“ sabi ni Pimentel.
Kasabay nito kinumpirma ni META Head of Law Enforcemnt Outreach Rob Abrams na inalis na ng META ang AI generated na litrato ni Congw. France Castro na kaniya na ring inireport sa COMELEC bilang disinformation at at red-tagging.
Pagtiyak pa niya sa mambabatas na may ginagawa silang hakbang para maalis ang harmful generative AI o artificial intelligence.
Katunayan, nakipag tulungan sila kamakailan sa PAOCC para maalis ang cotent na nagsusulong ng investment scams gamit ang AI.
Paghimok naman ni META Director of Public Policy Dr. Rafael Frankel na ireport agad sa COMELEC ang kahalintulad na isyu ng AI manipulated misinformation at kagyat nilang tutugunan.
“please, if you believe that there’s a piece of content that violates our policies, please do report it through Commolec and we’ll treat it with that post urgency.” Sabi ni Frankel. | ulat ni Kathleen Forbes