Mariing kinondena ni Speaker Martin Romualdez ang pagpapakalat ng fake news at mga gawa-gawang krimen online, na aniya ay nakakasira sa pagtingin ng publiko kaugnay sa public safety.
Ani Romualdez, malaki na ang ibinaba ng focus crimes sa bansa, batay na rin sa datos ng Philippine National Police (PNP).
Katunayan, kumpara sa Enero 1 hanggang Pebrero 14, 2024, bumaba ng 26.76% ang focus crimes sa bansa sa kaparehong panahon ngayong 2025.
Pero ang mga datos ay nalulunod sa pekeng naratibo na naglalayong magdulot ng takot at kawalan ng tiwala mula sa publiko.
“‘Wag tayong maging tagapagsalita ng kasinungalingan. While real crime is going down, fabricated stories and scripted videos are spreading like wildfire online. Fear is being peddled for clicks and views. That’s not just irresponsible—it’s dangerous,” ani Romualdez.
Nasasayang din aniya ang resources ng law enforcement units dahil sa mga pekeng crime videos na ginagamit para sa content, bukod pa sa nakakasira ng tiwala sa justice system.
“When people stage crimes just to go viral, they’re not just misleading the public—they’re mocking real victims and sabotaging police work. It’s an insult to every Filipino who wants genuine peace and order,” giit niya.
Kaya paalala ng House Speaker sa mga social media users at content creators na hindi sakop ng kalayaan sa pagpapahayag ang pagkakalat ng kasinungalingan.
“Social media is a powerful tool. But when it’s used to manufacture lies and sow panic, it becomes a threat to national stability. Freedom of speech does not mean freedom to mislead and deceive,” punto niya. Dagdag pa niya, kung gusto natin ng Bagong Pilipinas, kailangan tayong lahat ay maging bahagi ng solusyon, maging mapagmatyag, at i-report ang kahina-hinalang kilos. | ulat ni Kathleen Forbes