Hindi titigil ang Pamahalaan sa pagbibigay ng dekalidad na trabaho par sa mga Pilipino matapos na i-ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbaba ng bilang ng mga underemployed.
Sa ulat ng PSA, bumaba sa 10.1% ang underemployment rate o katumbas ng 4.96 milyong pilipino nitong Pebrero kumpara sa 13.3% na naitala noong Enero o katumbas ng 6.47 milyon.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan, target ng Pamahalaan na pabilisin ang mga inisyatiba gayundin ang pagpapatupad ng mga hakbang upang makalikha ng dekalidad na trabaho.
Nakatakdang ilunsad ng Pamahalaan ang Trabaho para sa Bayan Plan 2025-2034, laman ang mga istratehiya, programa at pagbuti ng kumpetisyon sa mga manggagawang Pinoy. | ulat ni Jaymark Dagala