Kailangan nang pagtuunan ng pansin ang pagtitiyak sa integridad ng mga imprastraktura sa bansa matapos ang pagtama ng magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar.
Ayon kay Office of Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, panahon na upang paigtingin ang engineering solutions o ang retrofitting upang hindi agad mapinsala ang mga istruktura o gusali sakaling dumating na ang pinangangambahang “The Big One”.
Kabilang sa mga imprastraktura na kailangang pagtuunan ng ibayong pansin ay ang mga paaralan, health centers, city hall, gayundin ang mga munisipyo, at iba pa.
Binigyang-diin pa ni Nepomuceno na dapat pakilusin na ng mga LGU ang kanilang engineers upang siyasatin kung may mga gusali o imprastraktura silang nangangailangan na ng retrofitting. | ulat ni Jaymark Dagala