Nakaalerto na ang lahat ng ospital sa buong bansa upang tumugon sa ano mang uri ng emergency, ngayong Holy Week.
Ito ayon kay Health Secretary Ted Herbosa ay kasunod na rin ng deklarasyon ng Code White alert sa lahat ng pampublikong ospital sa bansa.
“So, let me say that the Department of Health has declared Code White of all our hospitals. That means, they are ready for the … iyong all the incidents that can happen for people traveling for this Holy Week.” —Herbosa
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na kabilang sa mga inaasahang emergency cases ay ang heat stroke, dehydration, at pagkalunod.
Dahil dito, pinayuhan ng kalihim ang publiko na panatilihing protektado ang sarili laban sa matinding init.
Sa mga mag-iikot aniya sa iba’t ibang simbahan para sa visita iglesia, magpupunta sa mga beach o mamamasyal sa iba’t ibang tourist destinations dapat aniyang ugaliin ang pag-inom ng tubig, huwag masyadong magbabad sa sikat ng araw, at sumilong sa lilim.
“Our warnings for na effects of heat illness especially for people going to hot areas like the beaches. So, very important, stay protected. So, sunscreen for those going out; hydration; and then, don’t stay too long in the sun, for those people.” —Herbosa.
Karaniwan rin aniyang tinatamaan ng mga ganitong klase ng emergency situation ay ang mga nakatatanda, mga bata, at mga may karamdaman o comorbidity.
“Every Holy Week, nagkakaroon kami ng mga problems of drowning and near drowning so very important din to watch your family especially in these places where you are vacationing and relaxing, make sure do not drink and drive; do not text and drive; and follow the rules of the road. Sana walang road rage kasi nga eh ano naman tayo ‘di ba, Holy Week, be patient and be kind to the other road users.” —Herbosa | ulat ni Racquel Bayan