Tiniyak ng pamahalaan ang commitment nitong maibaba ang estado ng kahirapan sa bansa at maabot ang target ng administrasyon na gawing single digit ang poverty incidence.
Sa Malacañang briefing, sinabi ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, na hindi tumitigil ang gobyerno sa pagbuo ng interventions upang hindi sumadsad sa kahirapan ang ating mga kababayan at makaalis sa poverty line ang mga Pilipino.
Whole of government at nation approach na ani Dumlao ang ginagawang pamamaraaan ng pamahalaan sa pagtugon sa kahirapan, at kasama na din dito ang mga nasa pribadong sektor.
Ilan sa interventions ani Dumlao na kanilang ipinatutupad ay ang 4Ps o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, at naririyan din aniya ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Kaugnay nito ay iginiit naman ni Dumlao na bumaba na ang poverty incidents sa bansa noong nakaraang taon, base na din sa family income and expenditure survey na annual study na ginagawa ukol dito. | ulat ni Alvin Baltazar