Handang handa ang Philippine National Police na protektahan ang mamamayan, mga tauhan ng COMELEC, mga guro, civil society, mga kagamitan, at proseso sa eleksyon.
Ito ang tiniyak ni PNP Chief Rommel Francis Marbil ngayong nalalapit na ang eleksyon.
Ayon kay PNP Chief PGen. Marbil nakahanda sila at kanyang mga kasaman sa lahat ng senaryo ngayong halalan.
Tuturapin din aniya ng pulisya ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makakaboto ng walang takot, bukal sa loob ang mamamayan.
Sa pakikipagusap ni PNP Chief Marbil sa COMELEC, pinagaaralan nila ang pagdedeploy ng PNP Special Action Force sa BARMM, para matiyak ang payapang halalan. | ulat ni Don King Zarate