Hinimok ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang lahat ng mga Pilipino na magkaisa at maglingkod ng may malasakit sa bayan.
Ito ang panawagan ni PFP National President at South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa sambayanan ngayong 28 araw na lang bago ang eleksyon 2025.
Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Gov. Tamayo, na ang mga prinsipyo ng Partido Federal ng Pilipinas na pagiging maka-Diyos, pagpapahalaga sa dignidad ng tao at katarungang panlipunan.
Gayundin ang direktang demokrasya ang magsisilbing gabay para sa malinis at positibong kampanya ng Bagong Pilipinas. | ulat ni Jaymark Dagala