Pinuri at kinilala ni Speaker Martin Romualdez ang Philippine National Police (PNP) kasunod ng malaking pagbaba sa bilang ng focus crimes na naitala.
Aniya, sa ilalim ng Marcos administration ay mas naging ‘stronger at smarter’ ang Pulisya, bunsod na rin ng mga repormang ipinatupad ng liderato nito sa pamumuno ni PNP Chief General Rommel Marbil.
Dahil naman aniya dito ay unti-unti nang bumabalik ang tiwala ng taumbayan sa Kapulisan.
“I commend the PNP, under the leadership of Gen. Marbil, for demonstrating stronger, smarter policing—from the sharp drop in focus crimes nationwide to the swift arrest of the Antipolo road rage suspect. These results reflect discipline, innovation, and a renewed commitment to public safety. The Antipolo incident, in particular, shows how far the PNP has come in terms of speed and responsiveness,” sabi ni Romualdez.
Kinilala din ng House leader ang mabilis na pagkaka-aresto sa gunman sa nangyaring road rage incident sa Antipolo.
Aniya, ang mabilis na aksyon ng Kapulisan ay mensahe na walang lugar sa lipunan ang krimen at impunidad.
“Salamat sa inyong hindi matatawarang serbisyo at pagtupad ng buong katapatan at katapangan sa inyong tungkulin. When criminals are caught within minutes—not days—it sends a powerful message: there are no safe havens for lawbreakers in this country,” aniya.
Batay sa datos ng PNP mula sa naitalang 4,817 na kaso ng focus crimes mula January 1 hanggang February 14, 2024, ay bumaba na ito sa 3,528 ngayong taon o katumbas ng 26.76% na pagbaba.
Base naman sa year-on-year data, sa kabuuang 41,717 cases noong 2023 ay bumaba ito sa 38,667 noong 2024.
Para naman maipagpatuloy ang magandang takbo ng Pambansang Pulisya ay mahalaga ani Romualdez ang suporta sa Kapulisan sa pamamagitan ng training at kagamitan.
“We cannot afford to lose this momentum. Let this be a wake-up call to would-be offenders and a reassurance to every law-abiding Filipino—peace and order is non-negotiable, and the government under the leadership of President Ferdinand R. Marcos Jr. will act swiftly and decisively. We will continue supporting legislation and programs that empower our police force. Every Filipino deserves to live without fear—and that begins with a Police institution that delivers on its duty,” saad ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes