Arestado ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) sa ikinasang entrapment operation ang 3 illegal recruiters na nag-aalok ng tiyak na posisyon para maging PCG.
Kabilang sa naaresto ang isang retiradong beterano na may ranggong major sa marine.
Batay sa reklamo ng 2 aplikante ₱350,000 ang kapalit na halaga kung nais ng aplikante na maging coast guard.
Ayon kay PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan, walang bayad sa aplikasyon sa PCG at ginagawa ang recruitment sa loob lamang ng PCG premises.
Inatasan na rin ni Gavan ang mga tauhan na mahigpit bantayan at panagutin ang illegal recruitment sa kanilang hanay.
Kung nais mag sumbong kaugnay dito maaring kontakin ang numerong 09293141684, 09309653132, 09150966183, or 09628810491. | ulat ni DK Zarate