Nagsasagawa ng operasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang sakop ng bansa.
Partikular dito ang pagbabantay sa isang Chinese research vessel sa bahagi ng Palawan.
Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard para sa West Philippine Sea, nasa 37 nautical miles lamang ang distansya ng Chinese research vessel na Song Hang sa Cuyo Island, sa bahagi ng Palawan.
Pinapayagan ang right of innocent passage sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) pero mahigpit pa ring binabantayan ng PCG ang paggalaw ng barko upang masiguro na sumusunod ito sa domestic at international maritime regulations.
Nag-deploy na rin ang PCG ng aerial assets para magsagawa ng surveillance at situational awareness. | ulat ni DK Zarate