Tumulak na patungong Myanmar ang Philippine Inter-Agency Contingent para magsagawa ng Humanitarian Assistance at Disaster Relief operations.
Ito ay ayon sa Office of Civil Defense (OCD), makaraang tumama ang Magnitude 7.7 na lindol sa nasabing bansa noong isang linggo.
Aabot sa 131 ang kabuuang bilang ng mga umalis na contingent mula sa 505th Search and Rescue Group ng Philippine Air Force (PAF), Philippine Army (PA), Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Health (DOH) at OCD.
Kasama rin sa bilang ang flight crew, aircraft security at aeromedical ng ginamit na C-130 plane ng Air Force gayundin ang grupo mula sa APEX mining Corporation/First Gen-Energy Development.
Ayon kay OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, simbolo ang naturang misyon ng pakikipagtulungan ng Pilipinas sa Myanmar bilang pagtalima sa “One ASEAN, One Response” commitment.
Kabilang sa gagawing pagtulong ng Pilipinas ay ang paghahanap sa mga naipit sa mga gumuhong istraktura, at ang pagsasagawa ng medical mission at assistance sa naturang bansa. | ulat ni Jaymark Dagala