Inaanyayahan ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur ang mga kababayan natin sa Penang, Malaysia na makilahok sa isang mahalagang Town Hall Meeting kaugnay ng Philippine Overseas Voting para sa 2025 National Elections.
Gaganapin ito bukas, araw ng Linggo, ika-6 ng Abril, sa ganap na alas-8:30 ng umaga sa Island Glades Basketball Court sa Lorong Delima 11, Bandaraya George Town, Penang.
Layunin ng pagtitipong ito na maipabatid sa mga overseas Filipinos ang mga dapat malaman tungkol sa pre-voting enrollment at ang proseso ng online voting para sa eleksyon na magsisimula sa ika-13 ng Abril. | ulat ni EJ Lazaro