Kinumpirma ng Office of Civil Defense (OCD) na dumating na sa Myanmar ang Philippine humanitarian contingent upang tumulong sa mga biktima ng nangyaring magnitude 7.7 na lindol.
Ayon sa OCD, magsasagawa ang grupo ng medical mission at search and rescue operations para sa mga nasalanta ng malakas na lindol.
Pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Erwen S. Diploma ang contingent, na binubuo ng urban search and rescue teams mula sa iba’t ibang ahensya tulad ng:
•Philippine Army
•Philippine Air Force
•Bureau of Fire Protection
•Metropolitan Manila Development Authority
•Department of Environment and Natural Resources
•Private sector
Kasama rin sa grupo ang Department of Health (DOH) na may dalang search and rescue equipment, medical supplies, at iba pang kinakailangang gamit para sa operasyon. | ulat ni Diane Lear