Positibo si House Committee on Metro Manila Development Chair Rolando Valeriano na may maganda pa ring opurtunidad para sa bansa ang ipinataw ng Estados Unidos na retaliatory tariff sa mga produktong iniluluwas ng Pilipinas pa-US.
Kung titignan kasi aniya, 17% lang ang taripa na ipinataw sa Pilipinas kumpara sa mga kalapit bansa natin gaya ng Cambodia [49%], Vietnam [46%], Sri Lanka at Myanmar [44%], China [34%] at India [27%].
Dahil dito maaari aniyang mas maakit natin ang mga investors na dito sa Pilipinas ilagay ang kanilang manufacturing facilities.
Kadalasan kasi aniya ang mga malalaking kumpanya na producers ng consumer items gaya ng mga computers, cell phones, garments at food products, na ang merkado ay ang US, ay inilalagay sa ibang bansa ang kanilang manufacturing facilities kung saan mas mura ang labor at cost of doing business, kumpara sa Amerika.
“Ngayong mas magiging mataas ang tariff sa pagpasok sa Amerika ng mga produkto galing sa
mga nasabing bansa, naging kalamangan naman ito para sa ating bansa. Ang problema ay naging isang oportunidad. Napakalaking pagkakataon ito para sating bansa.” Giit niya
Kailangan lamang aniya na magkaroon ng business friendly environment sa bansa gaya ng pinabuting ease of doing business, pagpapababa ng tax rates, bawasan ang red tape at labanan ang korapasyon.
Una na ring sinabi ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na walang masyadong magiging epekto ang ang naturang 17% tariff bagkus ay magiging bentahe pa nga ng Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa na mas mataas ang ipinataw na taripa ng US. | ulat ni Kathleen Forbes