Kumpiyansa si House Minority leader Marcelino Libanan na bentahe ng Pilipinas na maging “low-cost reliable export hub” ng mga produkto ng US, partikular ang semiconductors, sa kabila ng reciprocal tariffs na ipinataw ng US.
Kung ikukumpara kasi aniya sa ibang mga bansa na pinatawan ng bagong taripa, mas mababa ang sa Pilipinas.
Kaya naman aniya, hindi malayo na ikonsidera ng multinational manufacturers na mag-relocate ng operasyon sa bansa.
“This places the Philippines in a uniquely advantageous position. We’re looking at a rare opportunity to position ourselves as a low-cost, reliable export hub for the U.S. market—especially in semiconductors and electronics,” ani Libanan.
Sa katunayan, nangunguna na aniya ang Pilipinas sa electronics manufacturing na may $39 billion na halaga ng semiconductor at electronics product export noong 2024.
Maigi din aniya na samantalahin ang pagkakataon na ito na palakasin pa ang mga kasalukuyan nang semiconductor companies sa bansa gaya ng:
- Texas Instruments Philippines Inc.
- Samsung Electro-Mechanics Philippines Corp.
- Amkor Technology Philippines Inc.
- ROHM Electronics Philippines Inc.
- Nexperia Philippines Inc.
- Kinpo Electronics Philippines Inc.
- Integrated Micro-Electronics Inc.
- SFA Semicon Philippines Corp.
- Ibiden Philippines Inc.
- First Sumiden Circuits Inc.
“These companies already have the infrastructure and workforce to quickly scale up. We should support their growth and attract more players during this pivotal period,” sabi pa niya.
Payo naman ng mambabatas na gamitin ang estratehikong diplomasya sa pakikipagnegosasyon ng ating trade officials sa Estados Unidos para sa mas magandang tariff terms.
Ito’y matapos ipagpaliban ng 90 araw ang bagong tariff rate at sa halip ay ipatupad lamang ang 10% across-the-board na taripa sa mga trade partnets ng US. | ulat ni Kathleen Forbes