Araw araw na binabantayan ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang presyo ng manok gayundin ang itlog sa mga pamilihan.
Sa gitna ito ng tumataas na presyo ng poulty products.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., malikot ang paggalaw sa presyo ng manok kahit sa farmgate level.
Ilan naman aniya sa mga dahilan ng paggalaw ng presyo ng itlog ay ang tumataas na demand dulot ng election spending, at ang pagtaas ng mortality rate ng mga manok dahil sa matinding init ng panahon.
Batay sa monitoring ng DA, umaabot sa P240 ang kada kilo ng manok, habang ang choice cuts ay hanggang P300 ang kada kilo.
Ang presyo naman ng itlog ay nasa pagitan ng P6-P8 kada piraso.
Aminado naman si Sec. Tiu-Laurel na may ilang nagmumungkahi na magtakda na rin ng MSRP sa itlog, pero tulad ng sa bigas at baboy, kailangan aniyang konsultahin muna rito ang mga stakeholder para maiwasan ang ‘market shock’. | ulat ni Merry Ann Bastasa